Here are my Bob Ong Books Collection
(in order of purchase dates)
Bili na rin kayo...
They're so Filipino....
Para sa'ting lahat ang mga 'to...
ABNKKBSNPLAko?! (2001)
"Bakit namamalo si Miss Uyehara? May mga notebook bang lumilipad? Bakit masakit sa ulo ang Mathematics? Ano ang sikreto sa pagkakaibigan nila Pepe at Tagpi? Bakit may mga taong nakapikit sa litrato? Masarap ba ang africhado? Sino si Tigang? Bakit may mga classroom na kulang ang upuan? Masama bang mag-isip ng malalim habang naglalakad? Saan ang Ganges River sa Pilipinas? Bakit may mga umaakyat ng overpass pero hindi tumatawid? Sino ang webmaster ng bobongpinoy sa internet?"
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino (2002)
Ngayong NKKBSKNTLG,
eto na ang sequel...
dahil may El Filibusterismo ang Noli Me Tangere,
may New Testament ang Old Testament,
at may Toy Story 2 ang Toy Story!
"Ano ang lasa ng Toning Water?
Na-dagitab ka na ba?
Bakit sa ilalim ng overpass tumatawid ang mga Pilipino?
Saan makakabili ng artificial fresh flowers? Sino sila Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio at Maxima?
Paano makipagkaibigan sa bangaw?
Ano ang nagpapaalat sa itlog na maalat?
Kay Jesus ba talaga napupunta ang mga lumipad na lobo?
Ano ang alam ni Claire Danes na hindi mo alam? Talaga bang "best buy" ang mga Pinay?
Pagod ka na bang maging Pilipino?
At bakit ka nga pala baliktad magbasa ng libro? "
Ang Paboritong Libro ni Hudas (2003)
<. - - .> Marami ka ngang alam, pero tila yata hindi mo alam ang pinaka importanteng bagay tungkol sa libro.
<%> Ano?
<. - - .> Pagkatapos mong basahin ito, mamamatay ka.
<%> HA?!?!
<. - - .> Surprise!
<%> Sandali... alam ko biro lang ‘yon, diba?
<. - - .> Depende.
<. - - .> Hiram lang ba ang kopya mo ng libro tapos hindi mo na ibinalik sa may-ari?
<%> Hindi ah!
<. - - .> Shoplifter ka?
<%> Lalong hindi!
<. - - .> Tinapos mo lang bang basahin sa tindahan ang libro at hindi mo binili?
<%> Hindi rin!
<. - - .> Nagpa-xerox ka?
<%> Ba’t mo alam?
Alamat ng Gubat (2004)
WELCOME TO THE JUNGLE!
Samahan si Tong at ang kanyang mga kaibigan sa napakasayang alamat ng kahayupan sa Saging Republic.
Magkibahagi sa kuwentong garantisadong hindi kapupulutan ng aral.
At salubungin ang napakagandang bukas na naghihintay sa ating lahat!
Alamat mo. Alamat ko. Alamat ng Gubat.
ANG LIBRONG PAMBATA PARA SA MATATANDA!
Stainless Longganisa (2005)
Pagkatapos ng ABNKKBSNPLAko?!, Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?, Ang Paboritong Libro ni Hudas, at Alamat ng Gubat, ipinagpapatuloy ni Bob Ong sa librong ito ang kanyang ikalimang pagkakamali--ang magkwento tungkol sa sarili n'yang mga libro, bagay na di ginagawa ng mga matitinong manunulat. Ito ang Stainless Longganisa, mga kwento ng nagtataeng ballpen sa kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot ng mga pangarap, at at tamang praan nG pagsususlat,
MacArthur (2007)
“Mga bata pa kayo.
Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo,
kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakapanloloko.”
-By Mang Justo to Noel
Kapitan Sino (2009)
Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?
KAPITAN SINO
Ang pinakabagong superhero noon.
Mas matibay pa sa orig.
Sa mas mahabang panahon.






No comments:
Post a Comment