true… walang halong biro… napakabigat…
ala - una nang gabi habang nagrereview ko bilang paghahanda sa first preboard,
bigla ko naisip, paano kung mawala ako nang permanente sa mundo???
muntik ako maiyak… naisip ko bigla sina mame at dade…
alam ko, sa parehong oras habang nagrereview ko,
hindi rin sila makatulog nang maayos dahil iniisip nila ang kalagayan namin…
si mame, tiyak iniisip na kung saan kukuha ng pera para ipadalang allowance ko,
allowance ng mga kapatid ko, at para sa pagkain nila sa mga susunod pang araw…
si dade, alam ko, nagseself pity nanaman…
iniisip nanaman niya kung pano magkakatrabaho para hindi kami naghihirap nang ganito…
ang mga kapatid ko, malaki ang paghanga sa akin…
kung ano sinasabi ko, pinakikinggan nila… kung ano gagawin ko, gagayahin nila…
naisip ko nanaman tuloy… kailangan ko talaga pumasa, magkatrabaho at kumita…
pag ako nawala, panghihinaan ng loob sina mame at dade,
apektado mga kapatid ko pag nawalan ng gana mga magulang ko…
sina lola at mamang, bukambibig ako sa mga kakilala… ipinagmamalaking ako ay apo nila…
si lolo turing at lolo epeng, kahit nasa langit na sila, alam ko ganon din kina lola …
marami rin sa mga kaibigan ko ang naniniwala at nagtitiwala…
maraming tao ang mahal na mahal ko at ayokong ipahiya o masaktan sa anumang mali
o hindi inaasahang mangyari sa akin kaya dapat ako mag-ingat…
lahat ng pagsisikap ko bagaman pangsarili ang karamihan sa dahilan,
ay para sa mga taong nagmamahal sa akin at mahal ko rin…
sana nga tulungan Niya ko sa lahat ng gagawin ko…
i want to see my mom driving a car i gave her and my dad managing a farm i bought for him…
my relatives looking at my family as a model of “rags to riches”…
my lolo’s and lola’s smiling while looking at a young playful boy
who turned into a man of success and dignity…
my brothers and my only sister having their own success with their chosen fields
making their “kuya” as their inspiration…
Lord help me in making my dreams come true… Thank you… Amen…
No comments:
Post a Comment