sa totoo lang, habang sinusulat ko ang post na'to, naluluha ako...
hindi ko alam kung kanino dapat lumapit, kung sino ang dapat tawagin...
hindi ito usapin tungkol sa lovelife
( marami ko n'on at alam kong hindi mauubos ),
hindi rin isyu sa barkada o kaibigan
( mas marami ko n'on kesa sa lovelife )'
hindi rin ito simpleng problema sa pamilya
( mga magulang ko na ang nag-iisip para d'on )
at lalong hindi ito simpleng isyu ng pera
( nagagawan ng paraan 'yon ).
hindi ito alam ng kahit na sinong malapit sa akin
( maliban na lang kung mabasa nila 'to )...
hindi alam ng mga magulang ko at lalung hindi makikita sa akin ng mga kaibigan ko...
hindi ko kasi pinapahalata...
ang hindi nila alam, natatakot ako....
pinanghihinaan ako ng loob...
hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko hindi pa ko handa sa board exam...
hindi ako pangkaraniwang estudyante, i'm above the average pa nga...
i'm just afraid of what will happen and how will the people around me react kung hindi ako swertehin...
ang pagpasa ko ay hindi lang tungkol sa pangarap ng noon ay mallit na bata at ngayon ay ganap nang binata...
ito ay usapin ng isang responsibilidad...
responsibilidad ko sa sarili, sa pamilya at sa lahat ng taong nagmamahal at naniniwala sa akin...
kaya mas nahihirapan akong magdala...
ilang araw na lang sasalang na kami sa exam pero ga'no ko kahanda para d'on??!
natatakot ako... hindi dapat pero tinatalo ako ng pressure... haaay...
ano na ang gagawin ko???
Lord, tulungan mo ko...
"Hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa Iyo ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na ako..."
No comments:
Post a Comment